Natagpuan na ang mga labi ng US Navy sailors na una nang napaulat na nawawala matapos bumangga ang USS John McCain sa isang tanker malapit sa boundary ng Malaysia at Singapore.
Ipinabatid ni US Pacific Fleet Commander Admiral Scott Swift na nakita ang mga labi sa compartment ng nasabing destroyer.
Humaba ang search operations kasama ang mga tauhan ng Singapore at Malaysian Navy dahil maalon sa nasabing bahagi ng Malacca Strait.
Nahirapan ang mga tauhan ng nasabing destroyer na ma-stabilize ito dahil sa laki ng butas na idinulot ng naturang aksidente.
By Judith Larino