Isinailalim na sa state of calamity ang iba’t ibang lugar dahil sa matinding pinsalang iniwan ng bagyong Tisoy.
Isa na rito ang Oriental Mindoro kung saan lubos na napinsala ang mga palayan sa lugar pati na ang mga taniman ng saging at high value crops.
Nagdeklara na rin ng state of calamity sa Camarines Sur dahil sa pagbaha sa maraming lugar dito partikular sa bayan ng Milaor at San Fernando dahil sa pagapaw ng Bicol River.
Gayundin sa Atimonan, Quezon na inaasahang magagamit ang pondo sa pagdedeklara ng state of calamity para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo.
Nasa state of calamity na rin ang Lapinig sa Northern Samar kung saan nananatiling walang suplay ng kuryente at bagsak ang komunikasyon sa lugar.