Maagang nagdeklara ng kanselasyon ng klase sa mga paaralan ang ilang lalawigan na pinaniniwalang unang makatitikim ng hagupit ng bagyong Nona.
Unang nagpalabas ng abiso ang mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur bilang paghahanda na rin sa posibleng pananalasa sa kanila ng bagyo.
Ngunit batay sa reglamentong ipinalabas ng PAGASA, awtomatikong suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga lugar na isinailalim sa storm warning signal number 3.
Pre-school hanggang high school naman sa mga nasa signal number 2 habang pre-school hanggang elementary naman sa signal number 1.
Gayunman, binibigyang diskresyon ang pamunuan ng mga paaralan sa pagdideklara ng kanselasyon ng klase depende sa sitwasyon sa kanilang lugar kahit walang nakataas na babala ng bagyo.
By Jaymark Dagala