Nananatiling putol ang suplay ng kuryente sa maraming lugar sa Bicol, Visayas at Quezon bunsod ng pananalasa bagyong Tisoy.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), wala pa ring kuryente sa malaking bahagi ng Camarines Sur, Albay at Sorsogon
Gayundin ang bahagi ng Samar, Northern Samar, Eastern Samar, at Leyte sa Visayas at ilang bahagi ng Quezon.
Ayon sa NGCP, kabilang sa mga naapektuhang linya ang Gumaca-Lopez 69 kilo volt line sa Quezon, Naga-Iriga 69 kilo volt line sa Camarines Sur, Daraga-Legazpi 69 kilo volt line sa Albay at Sorsogon-Bulan 69 kilo volt line sa Sorsogon
Tiniyak naman ng NGCP na agad nilang isasagawa ang inspeksyon at pagsasaayos sa mga nasirang linya, oras na gumanda na ang panahon. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)