Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa red tide ang ilang lalawigan sa bansa.
Ito’y matapos lumabas sa resulta ng ginawang pagsusuri na may shellfish paralytic poison ang mga nakuhang samples sa Gigantes Island at Carles sa Iloilo sa pamamagitan ng enzyme link immunosorbent assay.
Ayon sa BFAR Region 6, nagpalabas na sila ng red tide toxins warning sa mga nabanggit na lugar.
Pinag iingat din ng ahensya ang publiko kaugnay sa pagkain ng shellfish na posibleng apektado ng red tide.