13 lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng positive one-week growth rate ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, kabilang dito ang probinsya ng Bukidnon, Camiguin, Cotabato, Davao Del Norte, Davao Occidental, Guimaras, Maguindanao, Sarangani, Siquijor, South Cotabato, Sultan Kudarat, Tawi-Tawi at Zamboanga del Norte.
Nakapagtala naman ng pinakamataas na positivity rate sa mga nasabing lalawigan ang Davao Occidental na may 85%, sinundan ng Camiguin na may 78%, at Tawi-Tawi na may 33%.
Habang nasa high risk ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ng Bukidnon, Camiguin, Davao Del Norte, Davao Occidental, Sarangani, at South Cotabato habang nasa moderate risk naman ang natitirang pitong lalawigan.
Ang ADAR ay bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa kada 100,000 indibidwal. —sa panulat ni Airiam Sancho