Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental mag-aala-1 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay natukoy sa layong 193 kilometro, timog-silangan ng Saranggani at may lalim na 10 kilometro.
Samantala, nakapagtala rin ng magnitude 3.5 na lindol sa layong 8 kilometro, timog-kanluran ng Kiblawan, Davao Del Sur mag-a-alas-2 kaninang madaling araw at may lalim na 25 kilometro.
Mag-a-alas-2 naman ng madaling araw nang yumanig ang magnitude 3.2 na lindol sa 6 kilometro, timog-silangan ng Columbio, Sultan Kudarat at may lalim itong 23 kilometro.
Muli namang nakapagtala ng magnitude 3 na lindol sa layong 150 kilometro, timog-silangan ng Saranggani, Davao Occidental, pasado alas-2 ng madaling araw at may lalim na 15 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.