Walang naitalang bagong namatay sa COVID-19 ang lalawigan ng Sulu, Tawi-Tawi sa kasagsagan ng delta variant sa bansa.
Ito’y base sa datos na inilabas ng data drop ng Department of Health na isinagawa mula Hulyo hanggang Setyembre ng naturang taon.
Sinabi ni research fellow Dr. Guido David, kabilang ang mga lalawigan ng Misamis Occidental, Masbate, Basilan, City of Isabela, Sarangani, Zamboanga Sibugay, Camarines Norte, Maguindanao, at Sultan Kudarat.
Dagdag ni David, , pasok naman sa pinakaapektado ng delta ang mga lugar ng Cagayan, Benguet, Apayao, Quirino, Nueva Vizcaya, Guimaras, Aurora, Cebu, Ilocos Norte, Zambales, Isabela, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Abra, Kalinga, Iloilo, La Union, Mountain Province, South Cotabato, at Marinduque.
Aniya, habang nasa ika-39 na bilang naman ang Metro Manila sa impact ng delta surge.