Binaha ang ilang lansangan sa Metro Manila dahil sa malakas na pag-ulan kaninang umaga.
Nilinaw ng PAGASA na ng nasabing pag-ulan sa Metro Manila ay hindi pa epekto ng typhoon Mangkhut.
Pasado alas-9:00 ng umaga nang maglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA na nagsasabing ang Quezon City, Pasig, Marikina at San Juan ay apektado ng malakas na buhos ng ulan may pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin.
Ayon sa MMDA, kabilang sa binaha ang EDSA P. Tuzaon North at Southbound, East Avenue sa harap ng National Kidney Institute, EDSA Ortigas – POEA Southbound at EDSA Quezon Avenue- Centris Northbound.
Tumigil na rin ang pag-ulan ng ilang minuto kaya’t unti-unting humupa ang baha.
—-