Ipinasilip ang ilang larawan ng magka-loveteam na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang nasa shooting ng bagong pelikula sa Barcelona.
Sa mga larawan na kinunan ng isang opisyal ng Star Cinema makikita ang ilang sweet moments ng KathNiel para sa kanilang upcoming movie.
Tulad ng inaasahan ay lalong na-excite at kinilig ang mga fans para sa nalalapit na movie ng dalawa.
Una nang sinabi ni Kathryn na halos 90 porsyento ng pelikula ay kukunan sa Barcelona.
Ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan na kilala rin sa mga dramatic movies na ‘Madrasta’ at ‘Milan’.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang petsa sa pagpapalabas ng pelikula at ang magiging titulo nito.
Photos: Screengrab from roxy liquigan/ Instagram