Nagbabala ang ecowaste coalition sa publiko sa pagbili ng mga pamaskong regalong laruan para sa mga bata.
Ito’y matapos matukoy na mayroong taglay na kemikal ang mahigit 40 sample ng laruan na kanilang sinuri.
Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo may ilang laruan na nagtataglay ng kemikal na posibleng makasira ng reproductive system ng isang tao habang ang iba naman ay may taglay na lead na nakakapinsala ng utak.
Delikado rin umano ang mga laruan na mayroon maliliit na parte dahil posible itong pumasok sa ilong at tenga o malunok ng mga bata.
Ani dizon, paglabag ito sa Republic Act No. 10620 o ang toy and game safety labeling act.
Kaugnay nito binalaan din ng grupo ang mga nagbebenta ng naturang mga laruan at sinabing otorisadong kumpiskahin ng Food and Drug Adminstration at Department of Trade and Industry ang mga laruang nagtataglay ng lason o hindi nakasunod sa pamantayan.