Nagsimula na ang ilang lokal na pamahalaan na maglabas ng listahan ng lugar sa kani-kanilang nasasakupan ang mga pwedeng pasyalan ng mga menor de edad.
Ito’y kasunod ng pagpayag ng IATF na lumabas ang mga batang edad 5 taong gulang pataas sa mga open spaces na lugar.
Sa Quezon City, labing siyam na lugar ang tinukoy na maaaring puntahan ng mga bata, ilan sa mga ito ay ang Quezon Memorial Circle at Parks and Wild Life.
Sa BGC sa Taguig naman ay pwedeng puntahan ng mga bata ang mga open spaces duon , park at biking areas habang sa Makati City naman ay ang Ayala Triangle Gardens at Legazpi Park sa Rada.
Maaari na ring makapamasyal ang mga bata sa Luneta, Intramuros at Baywalk sa Maynila.
Inirekomenda naman sa Pasay City ang Harbour Square habang sa San Juan naman ay ang Pinaglabanan Shrine, San Juan Mini Park, Agora Plaza gayundin ang mga mall at shopping centers na may Al Fresco dining.