Nakatakda nang lumagda ngayong araw ng kasunduan ang ilang local government units (LGUs) at mga pribadong sektor para sa kanilang aangkating COVID-19 vaccine mula sa ibang bansa.
Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, na base sa kanilang impormasyon aabot sa humigit kumulang 17 to 20 million ng bakuna ang kukunin ng LGUs at mga private sector.
Dahil dito, asahan na aniya na posibleng umabot sa mahigit sampung milyong katao ang kanilang matuturukan ng COVID-19 vaccine.
Bunsod nito, tutulong naman aniya sa mga LGU ang national government para sa karagdagang bakuna na kanilang kakailanganin na aabot sa 50 to 60 milyon na bakuna.