Inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang local government unit na nagpapila ng mga tao sa mga vaccination center sa kabila ng malakas na ulan at baha.
Sa kanyang huling State Of The Nation Address, hindi naitago ni Pangulong Duterte ang kanyang pagkadismaya sa naturang LGU at iginiit na hindi na ito dapat maulit.
Palitan ka bakit mo ba papipilahin, ang sabi kasi doon libre na lahat wala ng ano, so nagpuntahan ang mga tao, wala ng lista-lista,pero sabi nila als-4 pa sila , alam mo sa totoo lang hindi naman ako nagyayabang, I am just an ordinary citizen just like you I got hurt , when people are almost brutalize malakas ang monsoon, southwest monsoon,″ wika ni Pangulong Duterte.
Pinayuhan ng Punong Ehekutibo ang mga LGU na pagmalasakitan ang taumbayan sa halip na dagdagan ang pasakit lalo’t iba’t ibang karamdaman ang makukuha sa baha at ulan.
Dapat anyang magpatupad ng mas maayos na sistema sa pagbabakuna ngayong tag-ulan.
Gamitin mo utak mo, you should look for a gym, bigyan mo lahat ng tao ng number, hanggang dito lang. Hindi ko maintindihan bakit mo ‘yan gawin sa Pilipino, ‘yan ang tinatanong ko , why you do it to the Filipino.You can use, gymnasium. Mga eskwelahan walang klase ngayon, bakit ka maghahanap ng isang room,″ wika ng Pangulong Duterte sa kanyang huling SONA.—sa panulat ni Drew Nacino