Nag-anunsyo na ng pagpapatupad ng liquor ban ang iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Ito’y kasunod ng muling pagpapairal ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Kabilang sa magpapatupad ng liquor ban ay ang Quezon City, San Juan City at Maynila.
Sa ilalim ng liquor ban, ipinagbabawal ang pagbebenta, distribusyon at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Mapaparusahan ang sinumang mapatutunayang lumabag sa naturang kautusan.
Epektibo ang liquor ban simula ngayong araw, ika-4 hanggang ika-18 ng Agosto.