Ilang mga lider ng CPP o Communist Party of the Phlippines na nagtatago sa hustisya ang nanatili dito sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pagkaaresto kay Esterlita Suaybaguio, regional party secretary ng rebeldeng grupo sa kanyang safehouse sa Quezon City.
Ayon sa PNP o Philippine National Police, napakalawak ng kalakhang Maynila at maganda itong lugar para pagtaguan ng mga lider ng makakaliwang grupo.
Ilan sa mga rebeldeng nagtatago sa Metro Manila ay mayroong standing warrant of arrest habang ang ilan ay nagpapagaling mula sa mga sugat na tinamo sa pakikipagbakbakan laban sa mga sundalo sa kabundukan.