Handang iharap ni dating Bayan Muna Congressman Teddy Casiño sa Pangulong Benigno Aquino III ang ilang lider ng lumad community sa Surigao del Sur.
Reaksyon ito ni Casiño sa pahayag ng Pangulong Aquino na handa siyang makipag-usap sa dating kinatawan ng Bayan Muna.
Iginiit ni Casiño na dapat ipatigil ng Pangulo ang military operations sa Lumad community sa Surigao del Sur dahil nagugulo na ang buhay ng mga tribo doon.
Hindi kumbinsido si Casiño sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila suportado ang Magahat/Bagahi force na sinasabing nasa likod ng pagpatay sa 2 Lumad leaders at Direktor ng isang paaralan sa Surigao del Sur.
“’Yung CAFGU kasi parang kinikilala pa ‘yun eh may semblance ‘yan na talagang pinopondohan at sinusuportahan ng gobyerno, itong paramilitary kumbaga ito ‘yung mga vigilant groups noong araw, so medyo covert ang operation pero doon sa community mismo hindi lang simpleng covert kasi nakikita naman nila araw-araw ano ang relasyon nitong mga paramilitary groups at Armed Forces.” Pahayag ni Casiño.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit