Niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng Southern Luzon at Mindanao, simula kagabi.
Dakong alas 9:30 kagabi nang tamaan ng magnitude 4.9 ang bayan ng Calatagan, Batangas.
Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig, 17 kilometro timog-kanluran ng naturang bayan.
Naramdaman ang intensity 3 sa mga bayan ng Paluan, Occidental Mindoro at morong, Bataan; Intensity 2 sa Calatagan, batangas; Mamburao, Occidental Mindoro at Calapan, Oriental Mindoro.
Niyanig naman ng magnitude 5.4 ang Kalilangan, Bukidnon, dakong alas 4:37, kaninang madaling araw.
Natunton ang sentro ng pagyanig 14 na kilometro, hilagang-silangan ng nabanggit na bayan.
Naramdaman ang intensity 6 sa bayan ng Kalilangan; intesity 5 sa Cagayan de Oro City; intensity 4 sa Pangantucan, Kadingilan, Maramag, Damulog, Quezon, Don Carlos, Valencia City; Malaybalay City, Bukidnon;
Intensity 3 sa Kabacan, North Cotabato; Talakag, Bukidnon; Tagoloan, Misamis Oriental at intensity 2 sa Kidapawan City habang inaasahan din ang aftershocks matapos ang lindol.
SMW: RPE