Masama ang loob ng mga local hog at poultry raisers sa tila pagpabor ng Department of Agriculture o DA sa mga frozen meat importer sa halip na isulong ang lokal na industriya.
Ito’y makaraang maglunsad ang DA katuwang ang department of trade and industry ng “presyong risonable dapat: frozen meat edition.”
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layunin ng programa na magkaroon ng pagpipilian ang mga konsyumer na mas mababang presyo ng mga karne ng baboy.
Una nang inihayag ng united broilers and raisers association o ubra na sapat ang suplay ng karne ng manok pero pinapayagan ng DA ang pag-angkat ng imported frozen meat.
Iginiit ni Ubra President Jose Inciong na masyado na silang nadedehado at marami na rin ang nawawalan ng kabuhayan dahil sa pagpa-papasok ng kagawaran ng mga imported na karne sa bansa.
Wala naman anya silang natatanggap na anumang tulong mula sa da at tanging mga karne na nagmumula sa Amerika, Europa at Canada ang may subsidiya ng gobyerno kaya’t mas mura habang sila ay pinapabayaan na lang.—sa panulat ni Drew Nacino