Ideneklara na ng Malakanyang na walang pasok ang ilang local holidays sa bansa.
Ito’y makaraang lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 795 kung saan nakasaad bilang special non-working holiday ang Agosto 29 bilang paggunita sa 62nd founding anniversary sa Isula at ika-walong Hamungaya festival.
Idineklara ring special non-working holiday ang Agosto 30 sa Mandaue City sa Cebu bilang paggunita naman sa ika-50 charter aniversary sa naturang lugar.
Samantala, special non-working day at wala ring pasok sa Digos sa Davao Del Sur sa ika-9 ng Setyembre upang bigyang daan naman ang paggunita sa ika-19 na araw ng Digos sa Setyembre 8.