Lalo pang pinaigting ng ilang lokal na pamahalaan ang pagbabakuna sa gitna ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Muntinlupa, inilunsad ang “bakuna sa gabi” kung saan pinalawig hanggang 10 ng gabi ang pagbabakuna na nagsisimula ng 7 ng umaga.
Umaabot naman hanggang 12 ng hating gabi ang pagbabakuna sa Taguig hanggang sa matapos ang ECQ sa NCR.
Tuloy-tuloy naman ang drive-thru vaccination sa bagong nayong Pilipino.
Dinagdagan naman ang slots ng maaaring magpabakuna sa drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand.