Ilang mga lokal na pamahalaan ang maaga nang nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase bilang paghahanda sa Bagyong Ompong.
Sa Metro Manila, kanselado na ang klase simula ngayong araw hanggang Sabado, Setyembre 15 sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Parañaque City habang sa Quezon City wala namang pasok simula sa Biyernes, Setyembre 14 hanggang Sabado, Setyembre 15.
WALa na ring pasok sa lahat ng antas ngayong araw at bukas Setyembre 13 at 14 sa mga lalawigan ng Abra, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales maliban sa Olongapo City at Masantol sa Pampanga.
Habang ngayong araw pa lamang ang inanunsyong kanselasyon ng klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Sorsogon, sa mga bayan ng Marilao, Obando at Calumpit sa Bulacan at mga bayan ng Balaoan, Aringay at Bangar sa La Union at Albay na mula pre-school hanggang high school lamang.
Gayundin sa lalawigan ng Apayao na tatagal naman hanggang Setyembre 16, linggo.
wala naman pasok simula ngayong araw hanggang Sabado, Setyembre 15 sa Dagupan sa Pangasinan, Sudipen at San Fernando sa La Union at Sta. Rita sa Pampanga.
Sa bayan naman ng Angadanan sa Isabela, walang pasok sa Setyembre 14, Biyernes.
Bukas hanggang Sabado ang kanselasyon ng pasok sa lalawigan Camarines Sur.