Inihayag ni Union Of Local Authorities of the Philippines (ULAP) President Dakila Cua na nagdeploy ang ilang lokal na pamahalaan ng medical doctors sa mga unvaccinated communities.
Aniya, ito’y upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi rin ni Cua na inaalam ng mga kapitan ng barangay ang bilang ng mga residente nito na tumatangging magpaturok dahil sa kanilang mga paniniwala.
Samantala, ang hakbang ay kasunod ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga LGU na gumawa ng estratehiya upang higpitan ang galaw ng mga hindi pa bakunado laban sa naturang sakit. —sa panulat ni Airiam Sancho