Malugod na tinaggap ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato ang 129 returning locally stranded individuals (LSIs) sa provincial capitol compound sa Kidapawan City.
Ayon kay Governor Nancy Catamco, walang ibang dapat tumanggap sa mga LSIs kundi sila dahil nakatira sila sa nabanggit na lalawigan.
Kasama ang mga nasabing LSIs sa mahigit dalawang daang indibidwal na pinauwi sa kidapawan galing Metro Manila.
Matatandaang na-stranded ang mga nabanggit na indibidwal sa labin-dalawang bus ng Partas Bus Company at ni-rescue naman ng lokal na pamahalaan.