Iginiit ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isinama na ang mga munispalidad sa lokalidad na maaaring ma-downgrade o maibaba sa Alert level 1 sa COVID-19 risk classification.
Ito ay ayon kay acting deputy presidential spokesperson Kristian Ablan na inamyendahan na kasi ng IATF ang rekomendasyon ng National Task Force against COVID-19 at National Vaccination Operations Center (NVOC).
Aniya, ang low-risk total bed utilization rate ng mga lalawigan at rehiyon ay idinagdag bilang “criterion” para sa mga component cities at municipalities na ilalagay sa ilalim ng Alert level 1.
Hanggang katapusang ng Marso ay inilagay ng IATF ang National Capital Region at 47 iba pang lugar sa ilalim ng Alert level 1, habang ang iba namang lugar na wala sa listahan ay inilagay naman sa ilalim ng Alert level 2.
Magugunitang tanging ang mga lungsod, lalawigan at rehiyon lamang ng mga lokalidad na in-assess para sa COVID-19 alert levels.