Mapapahaba pa ang bakasyon ng mga mag-aaral simula ngayong araw makaraang magkansela ng klase ang ilang lugar na apektado ng pananalasa ng bagyong Salome.
Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko o pribado man ang karamihan sa mga lugar sa Metro Manila maliban sa Makati at Pasig City kung saan, pre-school hanggang high school lamang ang kanselado.
Kanselado rin ang pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Rizal maliban sa San Mateo na pre-school hanggang senior high school lamang ang walang pasok.
All levels din ang kanselasyon ng klase sa mga lugar ng Batangas, Bataan, Camarines Sur, Laguna, Cavite, Quezon Province, Calapan sa Oriental Mindoro at Buenavista sa Marinduque.
—-