Bahagyang bumaba ang bilang ng mga lugar na naka-granular lockdown.
Batay sa datos ng Philippine National Police, mula 844, ay bumaba sa 832 ang mga lugar na naka-lockdown kung saan 240 dito ay mula sa Cordillera, 212 sa Cagayan, 196 sa National Capital Region, 165 sa Ilocos, at 19 sa Mimaropa.
Nasa 1,362 katao ang apektado ng granular lockdowns.
Mahigpit namang tinututukan ng 211 na pulis at 443 force multipliers ang nasabing mga lugar upang matiyak ang seguridad at nasusunod ang minimum health standards.