(To be updated)
Nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang ilang lungsod sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ngayong araw.
Ito’y dahil sa walang tigil na pag-ulan bunsod ng pinalakas na habagat na hinahatak ng Low Pressure Area (LPA) sa hilagang silangan ng bansa.
Kabilang sa mga nagkansela ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay ang mga lungsod ng Maynila, Las Piñas, Pasay, Parañaque, Valenzuela, Makati, Taguig, Malabon, Caloocan, San Juan at Marikina.
Pre-school hanggang highschool naman suspendido ang klase sa Muntinlupa City para sa pampubliko at pribadong mga paaralan.
Kanselado na rin ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Cavite gayundin sa mga bayan ng Cainta, Taytay at Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.
By Jaymark Dagala