Nakitaan ng Health Department ang ilang lugar sa anim na rehiyon sa bansa ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) maging sa hospital occupancy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga lugar na nakitaan ng pagtaas ay ang mga Regions 4B, 6, 1, 10, 11 at Caraga.
Dagdag pa ni Vergeire na ang pagtaas sa kaso ng virus maging ng hospital occupancy ay malapit ng umabot sa high risk level nito.
Kung kaya’t pagtitiyak ni Vergeire na mahigpit nilang binabantayan ang mga nabanggit na rehiyon.
Kasunod nito, iniutos din ng ahensya sa mga health authorities sa anim na rehiyon na i-map out na ang mga pangangailangan sa kanilang mga pasilidad para mapalawak pa ang kanilang mga intensive care unit (ICU) beds.