Lubog sa baha ang ilang lugar sa Bacoor, Cavite bunsod ng pag-ulang dala ng habagat.
Kabilang sa nakaranas ng baha ay bahagi ng aguinaldo highway.
Gayundin ang Niog road at Tirona highway na nasa apat na pulgada ang lalim.
Sa datos ng Bacoor City DRRMO, may walong pamilya ang inilikas sa tatlong barangay dahil sa pag-ulan at pagbaha kahapon.
Samantala, nalubog din sa baha ang mga residente ng Occidental Mindoro.
Umabot na sa mahigit 100 pamilya o katumbas ng 600 indibidwal ang inilikas mula naman sa apat na barangay dito.