Aabot sa 53 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa ang binaha bunsod ng mga pag-ulang dala ng Bagyong Marilyn na ngayo’y isa nang LPA o Low Pressure Area at kasalukuyang nasa labas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Batay sa datos mula sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, nadagdag sa bilang ang Negros Occidental at Zamboanga City bagama’t pinakamarami pa ring binaha sa lalawigan ng Pampanga.
Kasunod nito, nananatili pa rin sa halos 500 pamilya o katumbas ng mahigit 2,300 indibiduwal sa 14 na barangay sa regions 9, 11 at 12.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 54,000 pisong halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya sa Region 12.