Nag-anunsyo ng walang pasok ang ilang paaralan dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Pepito.
Suspendido ang pasok sa La Trinidad, Benguet sa pampubliko at pribadong paaralan, kasama na rin ang trabaho sa mga opisina.
Gayundin sa Our Lady Of Perpetual Succor College, Marikina at Coronado’s School Of Quezon City.
Una nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maaari pa ring magsuspinde ng klase ang mga lokal na pamahalaan kahit na kasalukuyang online ang pag-aaral at maraming work from home.