Ilang lugar sa bayan ng President Roxas, Cotabato ang nakaranas ng mga pagbaha dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, dalawang barangay ang labis na naapektuhan sa kanilang lugar dahil sa pag-apaw ng ilog.
Agad namang humupa ang baha makalipas ang isang oras.
Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa nangyaring pagbaha sa lalawigan ng Cotabato na dulot ng sama ng panahon.
Narasan din ang malakas na mga pag-ulan sa Makilala-Kidapawan highway dahil sa localized thunderstorms.
Nagkaroon naman ng mga insidente ng pagguho ng lupa sa Infanta, Quezon kung saan ilang kalsada ang pansamantalang isinara para sa mga motorista.
Sa ngayon, balik na sa normal ang daloy ng mga sasakyan sa lugar makaraang matanggal na ang mga lupa na humambalang sa gitna ng kalsada.
Ayon sa PAGASA, ang tail-end of the frontal system ang dahilan ng naranasang sama ng panahon sa ilang lugar sa bansa.