Nakararanas parin ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Ayon sa Manila Water Services, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City, Marikina, Taytay, Antipolo at Angono, Rizal na tatagal hanggang Hunyo 8 .
Ito’y dahil sa isasagawang line maintenance at declogging activity sa mga nabanggit na lugar na nagsimula kaninang 4 a.m.
Samantala, nag-anunsiyo din ng water interruption ang Maynilad Water Services kung saan, maapektuhan ang ilang barangay sa Caloocan City na tatagal naman hanggang sa Hunyo 10 dahil pa rin sa maintenance acitivity sa mga nabanggit na lugar.
Pinayuhan naman ang mga konsyumer na mag-imbak ng sapat na tubig sa panahong nararanasan ang water interruption.
Tiniyak din ng mga water concessionaires ang pagdedeploy ng mga water tanker sa mga apektadong lugar na magbibigay ng malinis na tubig kung kinakailangan.