Binaha at nakapagtala ng maliliit na landslide sa ilang lugar sa Bicol Region dahil sa pag-ulang dala ng hanging amihan.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Region 5 Public Information Officer Gremil Naz, karamihan sa mga nakaranas ng pagbaha at maliliit na pagguho ng lupa ang mga isolated at malalayong lugar sa rehiyon.
Maliban lamang aniya sa bahagi national road sa Catanduanes.
Gayunman, sinabi ni Naz na mabilis ding bumaba ang tubig baha sa mga naturang lugar.
Patuloy din aniya ang pagbabantay ng OCD 5 sa posibleng pagdaloy ng lahar mula sa Bulkang Mayon.