Ilang mga lugar sa bayan ng Jagna sa Bohol ang binaha bunsod ng matinding pag-ulan na dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Kabilang sa mga barangay na apektado ay ang Poblacion, Sitio Balbalan sa Barangay Pangdan, Tejero, Pagina, Looc, Can-Upao, Bungamar at Bunga Ilaya.
Ayon kay Councilor Anthony Aniscal ilang mga cottage sa can-uba Public Beach ang na-wash out.
Hanggang tuhod naman ang baha sa Purok 5 sa Kalipay Compund sa Barangay Can-Upao.
Ayon kay Adonis John Cagas, Administrative at Training Officer ng Jagna Disaster Risk Reduction and Management Office, walang naiulat na casualty at humupa rin ang baha makalipas ang ilang oras. —sa panulat ni Hya Ludivico