Lumawak pa ang mga lugar na apektado ng oil spill sa hilagang-silangang baybayin ng Brazil.
Batay sa ulat, umabot na rin ang mga nakakalat na krudo sa bayan ng Maragogi, na pangunahing toursist beach destination sa lugar.
Ilang mga volunteers na ang nagtutulong-tulong para linisin ang mga nagkalat na krudo sa buhangin ng nabanggit na beach.
Sa tala ng enviromental regulator na Ibama, hindi bababa sa 178 mga lugar sa siyam na estado ng Brazil ang apektado na ng oil spill.
Gayunman, nananatili pa ring blangko ang mga otoridad sa pinagmulan ng nagkalat na krudo.