Walang suplay ng kuryente ngayon sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Cagayan Electric Cooperative II o CAGELCO II at Apayao Electric Cooperative o APELCO.
Ayon kay Lilibeth Gaydowen, Corporate Communications and Public Affairs Officer sa NGCP Northern Luzon, nagsimula ang power interruption kaninang alas-8:00 ng umaga at matatapos mamayang alas-5:00 ng hapon para bigyang-daan ang annual maintenance sa Magapit Substation.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Buguey, Gonzaga, Sta. Teresita, Sta. Ana, Aparri, Ballesteros, Abulog, Pamplona, Sanchez Mira, Claveria, Sta. Prexedes, Camalaniugan, Cagayan; gayundin ang Flora, Luna, Sta. Marcela, Pudtol, at Calanasan, Apayao.
By Meann Tanbio