Binaha ang ilang lugar sa Cagayan bunsod ng pananalasa ng bagyong Neneng.
Nawalan din ng kuryente ang 16 na barangay dahil sa lagpas tao na baha.
Ayon kay Michael Villamin, DILG officer ng cagayan, ilang mga residente ang kailangang umakyat sa bubong dahil tumaas ang tubig simula pa noong Sabado.
Samantala, ipinatupad ang preemptive evacuations sa ilang lugar sa Aparri, Baggao, at Allacapan.
Batay sa inisyal na ulat, mahigit 100 pamilya ang nangangailangan ng mga damit sa ilang evacuation center. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla