Binaha ang ilang lugar sa Cagayan dahil sa pag ulang dala ng Tropical Depression ‘Quiel’.
Ipinabatid ni Rueli Rapsing, pinuno ng Task Force Lingkod Cagayan – Quick Response Team na limang barangay ang apektado ng pagbaha sa bayan ng Sta. Pradexes na kinabibilangan ng mga Barangay Salunzon, Capacuan, Centro Dos, Portabaga at Centro Uno.
Hindi rin aniya maaaring daanan ng mga motorista ang Kilkilng Road at napinsala ang tulay sa bahagi ng Sitio Surngot sa Barangay Portabaga kung saan inilikas din ang tatlong pamilya.
Binaha rin ang mga bayan ng Sanchez Mira kung saan sinuspindi na ang klase sa Pamplona at Claveria.
Inihanda na rin ang mga aluminum boat para sa pagpapakalat ng mga tauhan para makatulong sa mga naapektuhan ng pagbaha.