Inilagay na rin sa moderate risk classification sa COVID-19 ang Batangas, Laguna, at Quezon.
Una nang inilagay ng OCTA research group sa moderate risk ang National Capital Region, Cavite at Rizal.
Nasa 17% ang positivity rate sa NCR hanggang nitong January 31.
Sa Calabarzon, ang Cavite ang may pinakamataas na positivity rate na 31%, sinundan naman ng Quezon sa 25%, at Laguna sa 21%, habang ang Rizal, ang may pinakamababa na may 8%.
Pagdating naman sa reproduction rate ay nakapagtala ang NCR ng 0.45, habang may pinakamataas na reproduction number naman sa Calabarzon ang lalawigan ng Quezon na may 0.90 at pinakamababa ang Rizal na may 0.46.
Sinabi pa ng OCTA na naitala sa NCR ang -62% growth rate nitong January 31, Batangas na may 48%, Cavite na may -66%, Laguna sa -62%, Quezon na may -37%, at Rizal na nakapagtala ng -65%.