Umabot sa halos lagpas tao ang baha sa Araneta Avenue sa Cubao, Quezon City matapos magbara ang mga daluyan ng tubig dahil sa malakas na pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, ang malakas na pag-ulan na naranasan sa ilang lugar sa metro manila ay bunsod ng localized thunder storm na nagresulta ng tubig-baha sa ilang lugar.
Nabatid na inanod ng malakas na pag-ulan ang mga basura dahilan para maimbak ito sa mga drainage o canal.
Sa ngayon, puspusan na sa paglilinis ang mga operatiba ng Barangay gayundin ng lokal na pamahalaan matapos malubog sa baha ang maraming residente sa nabanggit na lungsod.