Niragasa ng baha ang ilang bahagi ng rehiyon ng Davao ngayong weekend bunga ng easterlies o hangin mula sa Pasipiko na nagdulot ng halos walang tigil na pag-ulan.
Sa Barangay San Miguel, Santo Tomas, Davao del Norte ay lumubog sa baha ang mga kalsada.
Sinasabing mahigit 1,000 pamilya ang apektado ng malawakang baha sa nasabing rehiyon.