Binaha ang ilang lugar sa eastern Visayas dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.
Kabilang sa mga binaha ang Guadalupe Heights na sakop ng barangay Suhi, sa Tacloban City na ginawang relocation site ng mga Yolanda victims.
Pinasok din ng baha ang bayan ng Basey, Samar kung saan, nalubog sa tubig baha ang mga bahay, paaralan at mga opisina.
Ayon sa PAGASA Weather Bureau, ang mga pag-ulan na nararanasan ay dulot ng shearline at hanging amihan na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
Nanawagan naman ang mga residente sa lugar na bigyan sila ng pamahalaan ng maayos na matitirhan at malayo sa baha. —sa panulat ni Angelica Doctolero