Nagpositbo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang ilang baybayin sa Eastern Visayas.
Kabilang dito ang San Pedro bay na sakop ng bayan ng Basey, Samar at coastal waters ng Guiuan, Eastern Samar.
Nananatili ring positibo sa red tide toxin ang Cancabato bay na sakop ng Tacloban City at ang Irong-Irong bay sa Catbalogan City, Samar.
Dahil dito, nagpaalala ang BFAR sa publiko na iwasan muna ang pagkuha, pagbili at pagkain ng anumang klase ng shellfish at alamang sa nasabing mga dalampasigan.
Samantala, ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta’t ito ay huhugasan at lulutuing mabuti.