Naibalik na ang supply ng kuryente sa ilang lugar sa Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Lawin.
Gayunman, isang linggo pang maghihintay ng power supply ang 200 barangay sa lalawigan.
Ayon kay Rizal Castillo, officer-in-charge ng Zone 1 Ilocos Norte Electric Cooperative, hindi pa kasi nila naibabalik ang supply ng kuryente sa mga liblib na lugar.
Paliwanag ni Castillo, nahihirapan silang magdala ng mga materyales na ipapalit sa mga nasirang linya ng kuryente bunsod ng matinding pinsala na idinulot ng bagyo sa naturang probinsya.
By: Jelbert Perdez