Nakararanas parin ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa Imus, Cavite.
Ayon sa Maynilad Water Services, Inc. Ito ay dahil sa mataas na pangangailangan ng tubig sa Aguinaldo Pumping Station kung saan, kabilang sa mga apektadong lugar sa imus ay ang:
- Barangay Anabu II-B hanggang II-D North at South Daanghari
- Barangay Anabu II-E AT II-F
- Barangay Malagasang I-D hanggang I-F
- Barangay Malagasang II-A hanggang II-D
- Barangay Malagasnag II-F AT II-G.
Humihingi naman ng paumanhin ang Maynilad Water sa mga apektadong residente. —sa panulat ni Angelica Doctolero