Mawawalan ng suplay ng tubig ang mga consumer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Bacoor at Imus simula bukas hanggang sa martes.
Ayon sa Maynilad, ito’y dahil sa ilalagay nilang bagong reverse osmosis assemblies sa kanilang Putatan Water Treatment Plant bukas.
Layon anila nito na mapaganda pa ang treatment capacity ng planta at mapanatiling stable ang produksyon kahit pa magkaroon ng biglaang pagbabago sa kalidad ng tubig na nagmumula sa Laguna Lake.
Dahil dito, pinapayuhan ng Maynilad ang mga naninirahan sa Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Bacoor at Imus na mag-imbak na ng tubig.