Lumubog sa baha ang ilang lugar sa Luzon dahil sa Habagat na pinalakas ng Bagyong ‘Egay’.
Apektado ng baha ang Mc Arthur Highway sa Marilao, Bulacan na nagiging dahilan ng mabagal na usad ng trapiko habang hanggang tuhod ang tubig baha sa apat na barangay sa naturang bayan.
Gayundin ang sitwasyon sa ilang barangay sa Balagtas, Bulacan .
17 barangay naman sa Pampanga ang lubog pa rin sa baha sa San Simon, Lubao at Macabebe.
Samantala, gumagamit naman ng bangka ang mga residente sa ilang barangay sa Hermosa dahil sa malalim na tubig baha.
Sa ulat ng PAGASA, patuloy pa ring makararanas ng katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan at iba pang bahagi ng Luzon.