Masusing minomonitor ng Bataan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kondisyon sa kanilang lalawigan dahil sa naranasang sama ng panahon.
Ito ang inihayag ng Bataan PDRRMO kasunod ng naranasang mga pagbaha sa ibat ibang lugar doon kasunod ng pananalasa ni Typhoon Henry.
Kabilang sa mga lugar na nalubog sa baha ang Balanga, Pilar, Orion, Limay, at Mariveles, Bataan na nakaranas ng zero visibility dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan.
Karamihan naman sa mga binahang residente doon ang nagsabing hindi na bago sa kanila ang ganitong sitwasyon dahil kahit wala umanong bagyo, basta’t bumuhos lamang ang may kalakasang ulan, tiyak na agad nang babahain ang kanilang mga lugar.
Nakaranas din ng mga pagbaha sa mga area ng La Trinidad, Benguet at Metro Manila dahil kay Bagyong Henry.